Deposition ni Defense Sec. Orly Mercado

Pormal na nagsumite kahapon si Defense Secretary Orlando Mercado sa impeachment court ng kanyang sinumpaang testimonya o deposition kaugnay ng Amerikanong consultant ni Pangulong Joseph Estrada na si Paul Bograd na binayaran ng P5 milyon na nagmula sa koleksyon sa jueteng.

Sinabi ni Mercado sa kanyang deposition na matagal na niyang kilala si Bograd na tumulong sa kampanya ni Estrada sa halalang pampanguluhan noong 1998.

Pero nilinaw ni Mercado na walang ibinayad kay Bograd para sa serbisyo nito. (Ulat ni Doris Franche)

Show comments