^

Bansa

Nabighani si Erap

-
Ano nga ba ang bertud sa babae ni Erap at kahit mayroon na siyang pinakasalang Loi ay naghahanap pa siya ng iba pang mapaglulunuyang kandungan o "butas na mapapasukan". Hindi siya makuntento sa isa lamang. Mas marami ay mas maganda, mas masarap at mas masaya. Mula nang marating niya ang "gloria" sa pamamagitan ni Pinky Osorio at maanakan ito ng isang lalaki ay kung sinu-sino nang mga babae pa ang na-link sa kanya. Karamihan sa mga ito ay pawang nakapareha niya sa pelikula. Malalim ang relasyon niya sa mga ito. Siguro nga’y mahusay siyang mangingibig at matindi ang sex appeal noong kanyang kabataan.

Kahit na kasal na sila ni First Lady Loi noong 1959 ay napaibig niya ang isang magandang artista sa kabila na mahigpit umano ang mga magulang nito. Ang magandang artista ay si Perla Bautista na tubong San Juan, Batangas. Kaakit-akit ang beauty ni Perla. Hindi iyon nakalampas sa mataas na panlasa ni Erap sa babae. Si Erap ng mga panahong iyon ay nagsisimula nang tahakin ang magulong daigdig ng pelikula. Patambay-tambay na ito sa mga set ng ginagawang pelikula. Kung nasaan ang location shooting ay naroon din ito. Matiyagang nag-aabang.

Nagsimulang mag-artista si Perla noong 1958. Seventeen years old lamang siya. Isa siya sa may pinakamagandang mukha sa mga artistang babae ng mga panahong iyon. Sa LVN Productions siya nagsimulang gumawa ng pelikula.

Sa isang party umano sila nagkakilala ni Erap. Unang tingin pa lamang niya rito ay may magneto na ang pagkatao nito. Wala pa umanong bigote si Erap noon. Maganda ang pangangatawan nito dahil sa alaga sa paboritong sport – ang basketball. Ang kasunod ng pagkikilala nila sa party ay ang pagbabantay na sa kanya ni Erap sa set ng mga ginagawa niyang pelikula. Parang pagkit itong nakakabit sa kanya, kahit na ito ay may Loi nang pinakasalan ng mga panahong iyon. Madalas umanong dumalaw sa kanilang bahay si Erap. Magaling magkuwento at prangka kung magsalita. Kung ano ang gustong sabihin ay hindi na nagpatumpik-tumpik pa. Hanggang sa maging magkasintahan sila ni Erap. Maligaya siya at lalong sumasaya kapag magkasama sila sa pelikula. Wala siyang kamalay-malay na ang lalaki palang inaangkin niyang kanya-kanya na ay may asawa na pala. Bukod doon, may isa pa palang babae na kaagaw siya. Nakikiamot lamang pala siya ng pag-ibig ni Erap. (Ulat ni Ronnie M. Halos)

vuukle comment

ERAP

FIRST LADY LOI

LOI

PERLA

PERLA BAUTISTA

PINKY OSORIO

RONNIE M

SAN JUAN

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with