Estrada handang humarap sa trial
December 24, 2000 | 12:00am
Idiniin muli kahapon ni Pangulong Joseph Estrada na handa siyang humarap sa paglilitis ng Senado sa kanyang kasong impeachment pero nakasalalay anya ito sa desisyon ng kanyang mga abogado.
Sinabi ni Estrada sa kanyang palatuntunang "Jeep ni Erap: Ang Pasada ng Pangulo" na hindi pa niya nakakausap ang kanyang mga abogado mula nang sumulpot kamakalawa ang sorpresang testigo ng prosecution panel na si Clarissa Ocampo ng Equitable-PCI Bank na nagdiin na nakita siya nito nang ipirma niya ang pangalang "Jose Velarde" sa signature card ng binuksan niyang account sa naturang banko at hindi ang tunay niyang pangalan.
Wala nang inihayag ang Pangulo hinggil sa testimonya ni Ocampo. Iginugol niya ang araw niya kahapon sa pagregalo sa mga batang ulila na inaampon ng Asosacion de Damas Filipinas sa Paco, Maynila.
"Sabi ko nga, lahat nandoon na sa impeachment trial court ng Senado. Palagay ko, ang aking mga defense lawyers ang puwedeng sumagot diyan. Ano man ang sasagutin ko, maaari itong maging subjudice," sabi pa ng Pangulo.
Idinagdag niya na, sana, matapos na ang paglilitis sa kasong impeachment laban sa kanya dahil dito na lang napapako ang panahon ng mga tao at napapabayaan ang kanilang mga gawain. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest