Special session ng Kongreso inaprub ni Erap

Kinumpirma ni House Speaker Arnulfo Fuentebella na inaprubahan ni Pangulong Joseph Estrada ang special session na nakatakdang idaos ng Mataas at Mababang Kapulungan ng Kongreso mula Enero 8 hanggang 12.

Tatlong mahahalagang panukalang batas ang nakatakdang talakayin sa nasabing special session tulad ng lifting ng ban sa political advertisements, Solid Waste Management Act at ang Quality of Water Acts. (Ulat ni Malou Rongalerios)

Show comments