Pagkawala ni Dacer, iniuugnay sa wiretapping

Naniniwala ang pamilya ng nawawalang public relation executive Salvador "Bubby" Dacer na may kaugnayan sa anggulong wiretapping na isiniwalat ng dalawang reporters ng pang-umagang pahayagan sa impeachment court. Kinumpirma kahapon ng pamilya Dacer, na ang limang linya ng telepono nila partikular na ang dalawang fax machines ay naka-wiretapped matapos magsagawa ng masusing pagsusuri ang isang pribadong kompanya ng telepono na bihasa sa mga bugging device.

Sinabi pa ng mga binahasa sa bugging device na ang ginamit sa linya ng telepono ng pamilya Dacer ay masyadong sensitibo at high-tech, kaya lahat ng pag-uusap ay maliwanag na nailalagay sa tape recorder kahit na ang mga numero ng telephone dialing kapag may tumatawag o tinatawagan. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

Show comments