Isinumite na kahapon ng National Bureau of Investigation sa Department of Justice ang kasong plunder laban kay Singson at iba pang lokal na opisyal ng Ilocos Sur dahil sa umanoy pagsasabwatan sa iligal na P100 milyong cash advance.
Bukod kay Singson, bukod sa kinasuhan ng DOJ sina Ilocos Sur Vice Governor Deogracias Victor Savellano, provincial accountant Carolyn Pilar, treasurer Antonio Gundran, at budget officer Erlita Arce.
Sinabi ng NBI na kinuha nina ni Singson noong Disyembre 29, 1999 ang naturang halaga para ilaan sa ibat ibang uri ng proyekto sa lalawigan pero hindi nagsumite ng report sa Commission on Audit ang gobernador.
Nauna rito, isinumite ng NBI sa Ombudsman ang isa pang kasong plunder laban kay Singson.
Sinasabi ng kampo ni Singson na malaki ang posibilidad na naimpluwensiyahan ng Malacañang ang desisyon ng DOJ.
Kasabay nito, isinampa rin laban kay Singson ang kasong malversation of public funds dahil sa iligal na pagpapalabas ng P20,000 pondo ng bayan at paggamit nito sa pagbili ng ibat ibang kagamitan sa produksyon ng tabako. (Ulat ni Grace Amargo)