^

Bansa

11 patay sa rambol ng 2 kulto

-
May 11 katao ang namatay sa sagupaan ng dalawang kulto na naganap pagkaraan ng isang hostage drama sa San Jose, Surigao del Norte kamakalawa ng gabi.

Sinasabi sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame na nagpupulong bandang alas-8:00 ng gabi sa isang pook-sambahan sa Barangay Aurelio sa San Jose ang may 200 miyembro ng kultong Philippine Benevolent Missionary Association sa pamumuno ng isang Master Sergeant Ruben Ecleo Jr. nang bigla silang lusubin ng mahigit 100 miyembro ng kultong Pulahan na pinamumunuan ni Eddie Quiñanola at pawang armado ng mga itak.

Binihag umano ng mga Pulahan ang mga PBMA pero, pagkalipas ng ilang saglit, lumaban ang mga miyembro ng huli hanggang sa magtagaan ang magkabilang panig.

Sa 11 nasawi, nakilala lang ang pito sa mga ito na sina Edecleo, Alex, Emilio, Bonifacio na pawang may apelyidong Quiñanola; Benny Abatan, Efren Totao at Teofilo Colot. (Ulat ni Joy Cantos)

ALEX

BARANGAY AURELIO

BENNY ABATAN

CAMP CRAME

EDDIE QUI

EFREN TOTAO

JOY CANTOS

MASTER SERGEANT RUBEN ECLEO JR.

PHILIPPINE BENEVOLENT MISSIONARY ASSOCIATION

SAN JOSE

TEOFILO COLOT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with