Ledger ni Singson, hinimay sa impeachemt court
December 14, 2000 | 12:00am
Sa unang araw ng pagharap niya sa Senado o impeachment court, halos kinumpirma lang ni Ilocos Sur Governor Luis "Chavit" Singson ang nauna niyang testimonya sa Senate Blue Ribbon Committee hinggil sa regular na buwanang pera o payola na tinatanggap ni Pangulong Joseph Estrada mula sa mga jueteng operator sa buong bansa bagaman tinalupan isa-isa ng mga juror na senador ang ipinakita niyang mga ledger o listahan ng mga koleksyon sa jueteng.
Mahigit isang oras na naantala ang pagsasalita ni Singson sa witness stand dahil sa pagkuwestyon ng mga abogado ng Pangulo kung puwedeng magtanong sa testigo ang pribadong abogado ng prosecution panel. Pinayagan ni Presiding Officer Hilario Davide na magtanong ang pribadong abogadong si Simeon Marcelo matapos linawin ni Quezon City Rep. Feliciano Belmonte na payag silang magtanong bukod sa ito ang gusto ni Singson.
Sa kanyang testimonya, muling ipinakita ni Singson ang ledger o listahan ng remittance ng mga jueteng operator at mga gastusin mula sa koleksyon sa jueteng kasama ang para sa mga opisyal ng pamahalaan na kailangang bahaginan sa koleksyon.
Nangunguna umano sa tumatanggap ng jueteng payola sina Asiong Salonga na tumutukoy kay Estrada; Goma (dating Philippine National Police Chief Director-General Roberto Lastimoso); Anton (Presidential Assistant on Bicol Affairs Anton Prieto); at Jimpol (Presidential-Legislative Liason officer Jimmy Policarpio).
Isinalaysay din ni Singson kung paanong inilipat sa kanya ng Pangulo mula kay Bong Pineda ang pagkuha ng jueteng money dahil halata na ang gawain nito bilang jueteng lord sa Central Luzon.
Maigi na, sabi umano ng Pangulo, dahil hindi halata si Singson na isang gobernador.
Sinabi pa ni Singson na may pagkakataong sumama ang loob ng Pangulo sa kaibigan nitong si Charlie "Atong" Ang dahil sa pangunguha nito sa ilang bahagi ng jueteng collections.
Pinuna ng mga senador na sina Juan Ponce Enrile at Francisco Tatad ang umano’y mga mali sa listahan at pagsusuma sa koleksyon sa jueteng noong 1999.
Ayon sa dalawang senador, sinasabi ni Singson na siya ang gumagawa ng ledger kaya walang dahilan para magkaroon ng mga pagkakaiba sa pagkukuwenta sa kabuuang halaga ng koleksyon mula sa jueteng at ang naibibigay sa Pangulo.
Iginiit naman ni Singson na hindi pa malinaw ang ledger dahil bawat koleksyon lang ito at hindi ang kabuuan na tulad ng nakakabit sa articles of impeachment. Pinanindigan niya na totoo ang nilalaman ng dalawang ledger.
Bago iniharap si Singson, isinalang muna kahapon din ng prosecution panel sa witness stand ang tauhan niya sa LCS Building sa San Andres, Manila na si Menchu Itchon. Assistant din umano ito ni Yolanda Ricaforte, accountant at auditor ni Estrada sa jueteng collection.
Sinabi ni Itchon na kasama niya si Ricaforte sa pagtungo sa Fountainbleau sa Clark na pagtatayuan ng casino sa pamamagitan ng pera mula sa jueteng. Pinanindigan niya ang sinabi niya sa SBRC na malapit sa isa’t isa sina Ricaforte at Estrada.
Inaasahang magpapatuloy ngayong araw na ito ang testimonya ni Singson. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 28, 2024 - 12:00am
November 27, 2024 - 12:00am
November 26, 2024 - 12:00am