^

Bansa

'Bitay ibasura' - Erap

-
Lantaran na ang pagsusulong ni Pangulong Joseph Estrada sa panukalang ipawalambisa ang parusang bitay sa mga karumal-dumal na krimen.

Tiniyak ng Pangulo sa isang panayam kahapon na sesertipikahan niya ang panukalang-batas na magpapawalambisa sa Death Penalty Law na unang ipinatupad mula noong 1994.

Naniniwala si Estrada na ang mga nahatulan ng parusang kamatayan ay dapat bigyan ng pagkakataong magbagong-buhay.

Ginawa ng Pangulo ang pahayag kasunod ng desisyon niya noong Linggo na gawing habambuhay na pagkabilanggo ang parusa sa 105 preso na nasentensyahang mabitay sa pamamagitan ng lethal injection. Saklaw nito ang mga death convict na ang sentensya ay kinatigan na ng Supreme Court. (Ulat ni Ely Saludar)

DEATH PENALTY LAW

ELY SALUDAR

GINAWA

LANTARAN

LINGGO

NANINIWALA

PANGULO

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

SAKLAW

SUPREME COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with