Yasay nagtago sa US
December 13, 2000 | 12:00am
Isa sa mga testigo ng prosecution panel sa paglilitis sa kasong impeachment laban kay Pangulo Joseph Estrada ang nagtago na sa ibang bansa dahil sa pangamba para sa kanyang buhay.
Kinilala ni Marinduque Congressman Edmundo Reyes ang testigo na si dating Securities and Exchange Commission Chairman Perfecto Yasay Jr..
"Sumakay na siya sa eroplano ilang araw makaraang hagisan ng isang hindi kilalang lalaki ng isang itim na bag ang kanyang (Yasay) bahay para takutin siya," sabi ni Reyes.
Bago naganap ang naturang insidente, tumatanggap na umano ng mga death threat si Yasay.
Si Yasay ang takdang maging testigo ng prosecution sa kontrobersyal na pagmamanipula umano ng Pangulo sa kaso ng Best World Resources. (Ulat ni Jess Diaz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest