Media patas sa trial, ayon sa survey
December 12, 2000 | 12:00am
Naniniwala ang nakakaraming Pilipino na patas ang media sa pag-uulat sa paglilitis sa kasong impeachment laban kay Pangulong Joseph Estrada, ayon sa isang survey na ginawa ng Pulse Asia hanggang noong Disyembre 9.
Sinasabi sa survey na 46 porsiyento ng mga respondent sa Metro Manila ang sumang-ayon na balanse ang media sa kanilang pagrereport. Bumubuo naman sa 32 porsiyento ng 300 moving respondent yaong naniniwalang may kinikilingan ang media.
Gayunman, 22 porsiyento ng mga respondent ang hindi makapagdesisyon kung patas o may kinikilingan ang mga radio, telebisyon at pahayagan sa pag-uulat sa kauna-unahang impeachment trial sa isang pangulo ng Pilipinas. (Ulat ni Doris franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
June 22, 2026 - 12:00am
June 21, 2026 - 12:00am