Sinabi kahapon ni Batangas Congressman Ralph Recto na malamang tuluyan nang walang dayuhang negosyante na mamumuhunan sa Pilipinas kung hindi masasagot ni Estrada ang pagbubunyag ng ilang German Police na nagbayad sila ng malaking halaga kay government negotiator Robert Aventajado para sa pagpapalaya ng mga dayuhang bihag ng Abu Sayyaf.
"Nagdagdag ito ng langis sa sunog. Kung pagbabasehan natin ang metro ng eskandalo, 10 beses na mas malaki ang kontrobersyang ito kumpara sa bribery at corruption charges na kinakaharap ngayon ng presidente sa impeachment trial," ang patungkol ni Recto sa ulat ng isang German magazine na tumanggap sina Estrada at Aventajado ng malaking porsiyento mula sa ransom na ibinigay sa mga bandidong Abu Sayyaf. (Ulat ni Marilou Rongalerios)