^

Bansa

Erap inuulan ng malas

-
Mistulang inuulan ng malas si Pangulong Joseph Estrada na hindi pa man nasasagot ang impeachment case laban sa kanya ay may panibago na namang kinakaharap na kontrobersya.

Sinabi kahapon ni Batangas Congressman Ralph Recto na malamang tuluyan nang walang dayuhang negosyante na mamumuhunan sa Pilipinas kung hindi masasagot ni Estrada ang pagbubunyag ng ilang German Police na nagbayad sila ng malaking halaga kay government negotiator Robert Aventajado para sa pagpapalaya ng mga dayuhang bihag ng Abu Sayyaf.

"Nagdagdag ito ng langis sa sunog. Kung pagbabasehan natin ang metro ng eskandalo, 10 beses na mas malaki ang kontrobersyang ito kumpara sa bribery at corruption charges na kinakaharap ngayon ng presidente sa impeachment trial," ang patungkol ni Recto sa ulat ng isang German magazine na tumanggap sina Estrada at Aventajado ng malaking porsiyento mula sa ransom na ibinigay sa mga bandidong Abu Sayyaf. (Ulat ni Marilou Rongalerios)

ABU SAYYAF

AVENTAJADO

BATANGAS CONGRESSMAN RALPH RECTO

GERMAN POLICE

MARILOU RONGALERIOS

MISTULANG

NAGDAGDAG

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

PILIPINAS

ROBERT AVENTAJADO

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with