^

Bansa

Crackdown sinimulan sa Erap Resign Movement

-
Nagsisimula na umano ang pananakot, panggigipit, pagdakip at pagkulong ng Philippine National Police (PNP) sa mga grupong nananawagan sa pagbibitiw ni Pangulong Joseph Estrada, ayon kay Erap Resign Movement (RESIGN) Spokeman na si Fr. Joe Dizon na nagsabi pa na sinasabotahe umano ng ilang pulis ang mga martsa o demonstrasyon na ginagawa nila o ng iba pang grupong kontra sa administrasyon.

Ipinatigil anya halimbawa ng mga pulis at inaresto ang 18 miyembro ng isa nilang mobile propaganda team sa Payatas, Quezon City.

Pinigilan din umano ng mga pulis ang mga nagra-rally na gumamit ng megaphone at magdikit ng mga poster sa mga pader o poste.

Hinarang din umano ng mga pulis ang may 700 demonstrador mula sa Pala-Pala, Dasmariñas, Cavite at ang 1,500 katao mula sa Oriental Mindoro para hindi makarating ang mga ito sa kilos-protesta sa Makati City noong Nobyembre 30.

Nagbabala si Senate sergeant-at-arms Leonardo Lopez na sasagutin nila ng maraas na paraan sa pamamagitan ng water canons at teargas ang mga demonstrador na manggugulo sa pagsisimula sa paglilitis ng Senado sa kasong impeachment laban kay Erap sa Huwebes, Disyembre 7.

Pangungunahan naman ng mga dating pangulong sina Corazon Aquino at Fidel Ramos, Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin at Vice President Gloria Macapagal-Arroyo at ng Kongreso ng Mamamayang Pilipino 2 at Kangkong Brigade ang protest march at rally sa labas ng Senado kasabay ng pagsisimula ng impeachment trial. (Ulat nina Andi Garcia, Rudy Andal at Doris Franche)

ANDI GARCIA

CORAZON AQUINO

DORIS FRANCHE

ERAP RESIGN MOVEMENT

FIDEL RAMOS

JOE DIZON

KANGKONG BRIGADE

LEONARDO LOPEZ

MAKATI CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with