Anak ni Erap idinawit sa land dispute
December 2, 2000 | 12:00am
Isinangkot ni Kilusang Magbubukod ng Pilipinas Secretary General at All Rural Initiative for the Ouster of Estrada Now (Arise Now) convernor Danilo Ramos ang anak ni Pangulong Joseph Estrada na si Jude sa hidwaan sa 16,000 ektaryang lupain sa Florencia Garcia, Raser Nueva Ecija.
Sinabi ni Ramos na pilit umanong pinaalis nina Jude at ng isang Air Force Col. Rey Garcia ang mga residente sa naturang lugar bagaman may hinahawakang certificate of ownership at iba pang kaukulang mga dokumento ang mga biktima na magpapatunay sa kanilang paninirahan sa naturang lupain.
Ipinalabas umano ng Malacañang noong Hulyo ang isang kautusan sa pagpapaalis sa mga residente dahil itatayo sa naturang lupain ang Harbor Town at Golf Club sa ilalim ng Phil-State at Manila South Post Development Corp.. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest