Demolition team ng Palasyo ibinulgar
December 2, 2000 | 12:00am
Ibinunyag kahapon ng isang mambabatas na isang demolition team ang itinayo umano ng administrasyon upang impluwensiyahan ang opinyon ng publiko at muling pabanguhin ang pangalan ng Pangulong Joseph Estrada.
Ayon kay Malabon-Navotas Rep. Federico Sandoval, ang PR Firm na Advent Asia ang nasa likod ng demolition team at nakabase umano ito sa Makati.
"Nasa 200 telepono ang ginagamit ng mga tao sa PR firm na ito at wala silang ginagawa kundi ang makinig sa mga istasyon ng radyo at telebisyon at tumawag kapag humihingi ng public opinion," ani Sandoval.
Ito umano ang paraan ng grupo upang mapalitan ang opinyon ng publiko at mapalabas nila na gusto pa rin ng taumbayan ang pamamalakad ni Pangulong Estrada.
"Kahit sa mga programa o debate na katulad ng Mare at Pare sa telebisyon ay tumatawag sila upang mapaniwala ang publiko na ang sentimyento ng mamamayan ay para pa rin sa administrasyon ni Estrada," pagbubunyag pa ni Sandoval.
Hindi lamang umano ang mga nasa oposisyon ang binabantayan ng nasabing grupo kundi maging ang mga nasa administrasyon na gusto nilang siraan.
"Itong demolition team na ito rin ang gagamitin ng administrasyon para sa eleksiyon sa 2001," ani Sandoval.
Ayon pa kay Sandoval, si dating Department of Interior and Local Government Secretary Ronaldo Puno ang namumuno sa PR Firm.
"Dapat itong bantayan ng both majority at minority dahil walang sinasanto ang grupo nila kung sino ang gusto nilang siraan at i-monitor," pagbubunyag pa ni Sandoval. (Ulat ni Marilou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am