US judge inireklamo ng Palasyo
December 1, 2000 | 12:00am
Sinabi kahapon ni Executive Secretary Ronaldo Zamora na hindi makatarungan ang paninisi ni United States District Judge Manuel Real kay Pangulong Joseph Estrada hinggil sa pagdismis ng federal court of Hawaii sa kasunduan ng pamilya ni dating Pangulong Ferdinand Marcos at ng may 10,000 biktima ng pang-aabuso ng batas-militar sa bansa.
Sinabi ni Zamora na ginawa ng Pangulo ang lahat para matiyak na maibabayad sa mga biktima ang $150 milyong kayamanan ng mga Marcos na nakalagak sa Swiss Bank pero tinanggihan ng Sandigangbayan ang hakbang.
Sa pagdismis sa kasunduan, inatasan ni Real ang mga Marcos na ibayad sa mga biktima ang orihinal na halagang $1.9 bilyong naunang inutos ng Korte. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest