Sinabi ni Recto na nagsasayang lang ng pera at panahon ang pamahalaan sa pagmomonitor sa mga aktibidad ni Arroyo dahil karamihan ng mga ginagawa nito ay bukas sa publiko.
Ang pagbabantay ng PNP sa Bise Presidente ay bunsod umano ng pagiging banta nito sa pambansang seguridad.
"Dapat na bawiin ang mga di-nakikitang bumubuntot sa Bise Presidente dahil nagsasayang lamang sila ng oras at pera sa mga aktibidad ni Arroyo na puro bukas naman sa publiko. Dapat gamitin na lamang ito laban sa mga totoong kriminal," sabi ni Recto.
"Wala na bang nagaganap na krimen sa Pilipinas kaya libreng-libreng ang pangalawang pangulo ang binabantayan ng PNP?" usisa ng kongresista.
Gayunman, pinabulaanan naman ni Lacson ang napabalitang mino-monitor ng PNP si GMA. (Ulat ni Marilou Rongalerios)