9 seamen, tatlong buwang di pinasahod
November 22, 2000 | 12:00am
Siyam na seamen na Pilipino ang nagreklamo laban sa may-ari ng pinagtrabahuhan nilang barkong TSS Sea Wind dahil tatlong buwan silang hindi binigyan ng sahod na umaabot sa kabuuang $270,000 kasunod ng pagkalugi umano ng kumpanya nito.
Malungkot na umuwi kamakalawa ng hapon sa bansa lulan ng Lufthansa Airlines galing Frankfurt, Germany ang naturang mga seamen na nakilalang sina Mamerto Cabayos Jr. ng Makati; Ma. Asuncion Dalisay at Juan Montillo ng Cavite; Emilio Tapil, George Valencia, Juanito Bilog, Francis Abad at Richard Saballes ng Zambales at Jorlito Iglopa ng Muntinlupa.
Sinabi ni Cabayos na bago nagdeklara ng pagkalugi ang kanilang pangasiwaan, sumasahod sila ng $2,000 kada buwan. Tiniyak naman ng Overseas Workers Welfare Administration na pagkakalooban nila ng tulong na legal at financial ang naturang mga seamen. (Ulat ni Butch Quejada)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended