Ralph at Mayor Vi susuporta sa welga
November 13, 2000 | 12:00am
Susuporta sina Batangas Congressman Ralph Recto at asawa nitong aktres na si Lipa City Mayor Vilma Santos sa welgang bayan na gaganapin bukas ng mga militanteng grupo para ipanawagan ang pagbibitiw ni Pangulong Joseph Estrada sa puwesto.
Sinabi nina Recto at Santos na nakikiisa sila sa lipunang sibil na gawin ang naaayon sa Konstitusyon sa paghiling sa pagpapatalsik sa bankaroteng lider sa pamamagitan ng militanteng protesta.
Naniniwala sila na, sa pamamagitan ng nagkakaisang layunin ng lahat ng sektor ng lipunan, matatapos ang krisis na kasalukuyang hinaharap ng Pilipinas.
Kabilang anila sa krisis ang umano’y pagkakasangkot ng Pangulo sa operasyon ng jueteng sa bansa at iba pang akusasyon dito ni Ilocos Sur Governor Luis "Chavit" Singson.
"Titiyakin namin na maihahayag ng mamamayan ng Batangas ang kanilang mga demokratikong karapatan," sabi ni Recto.
Pangungunahan din ng mag-asawa ang kilos-protesta na isasagawa rin sa Lipa City at sa buong lalawigan.
Nanawagan din sila sa mga nanunungkulang halal na opisyal na gawin ito sa kani-kanilang distrito, lunsod o munisipalidad at sabayan ang rally bukas sa Metro Manila.
Sa pangunguna ng Bagong Alyansang Makabayan, ang welgang bayan o demonstrasyon ay pangunahing idaraos sa Liwasang Bonifacio sa Maynila at sa paanan ng Don Chino Roces Bridge sa harap ng Malacañang. Iba’t ibang grupo naman sa iba’t ibang lugar ang magsasara ng mga paaralan at kumpanya para lumahok sa martsa at rally.
Ngayong hapon din, pangungunahan ni Vice President Gloria Macapagal-Arroyo ang isang rally ng United Opposition sa San Fernando, Pampanga para hingin ang pagbibitiw ni Estrada sa tungkulin.
Sinabi ni dating Angeles City Mayor Edgardo Pamintuan na humigit-kumulang na 15,000 katao mula sa 22 bayan sa Pampanga ang inaasahang dadalo sa rally na magsisimula bandang ala-1:00 ng hapon. (Ulat nina Marilou Rongalerios/ Ding Cervantes)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest