Ipe nanapak sa prayer rally
November 12, 2000 | 12:00am
Nanapak ng isang salesman ang action star na si Phillip Salvador nang magkagitgitan sila sa kani-kanilang sasakyan habang dumadalo ang una sa prayer rally sa Luneta sa Maynila kahapon bilang suporta kay Pangulong Joseph Estrada.
Kinasuhan ng physical injury sa station 5 ng Western Police District si Phillip dahil sa umanoy panununtok niya sa biktimang si Wilbert de Ramos, 28, may asawa, salesman ng Textile Mills sa Caloocan City at residente ng 1198 Benavidez St., Sta. Cruz, Manila.
Nagtamo ng maraming sugat sa katawan at mukha si de Ramos dahil sa pananakit sa kanya ng aktor.
Sinabi ni de Ramos sa kanyang reklamo na lulan siya ng maroon na scooter nang mapagitnaan siya ng isang puting kotseng Toyota Prado at itim na Toyota Prado sa may Liwasang Bonifacio sa naturang lungsod bandang alas-4:00 ng hapon kahapon.
Para makaiwas sa disgrasya, iniayos ni de Ramos ang kanyang motorsiklo. Gayunman, biglang bumaba mula sa puting Toyota Prado si Phillip na patungo noon sa naturang rally at nag-akala umanong sinisipa ng biktima ang kanyang kotse.
Sinabi ni de Ramos na agad siyang hinawakan ni Phillip sa leeg bago siya sinapak ng aktor sa kanyang mukha nang ilang beses.
Dahil umano sa lakas ng suntok ng aktor, nagkasugat at nagkagalos sa mukha si de Ramos at nawala ang suot niyang gintong kuwintas. Sinabihan din umano siya ng aktor ng maaanghang na salita.
Natigil lang umano ang pananapak ni Phillip nang umawat ang isa pang aktor na si Rudy Fernandez na kabilang din sa dumalo sa rally.
Sinabi ni de Ramos na hindi siya makikipag-areglo sa aktor kahit humingi ito ng tawad sa kanya.
Samantala, nagsikip ang trapiko sa lahat ng kalsada sa paligid o malapit sa Luneta dahil sa pagdalo ng may daan-daang libo kataong miyembro ng El Shaddai, Iglesia ni Cristo, Jesus Miracle Crusade at ibang grupo sa prayer rally bilang pakikiisa sa Pangulo na nagpatawag ng naturang okasyon para umano matamo ang pagkakaisa ng mamamayan.
May mga ulat na kabilang sa mga dumalo ay mga empleyado ng ilang ahensya ng pamahalaan na sapilitang pinapunta sa rally. Meron din umanong binayaran bagaman pinabubulaanan ito ng ilan sa mga pumunta.
Samantala, sa rally, hiniling ni Estrada sa Panginoon na maliwanagan sana ang lahat ng sambayanan at magkaroon ng pagkakaisa para malampasan ng bansa ang mga pagsubok na kinakaharap nito ngayon.
Sinabi naman ng tagapangulo ng Kilusang Mayo Uno na hindi sila natitigatig sa dami ng dumalo sa rally para kay Estrada. Dadaigin anya ito ng malaking kilos-protestang isasagawa ng mga militanteng grupo sa Nobyembre 14 para igiit ang pagbibitiw ng Pangulo sa tungkulin.
Sa kaugnay na ulat, sinabi ni Senador Aquilino Pimentel Jr. na hinihintay na lang ng Senado ang articles of impeachment na magmumula sa House of Representatives para masimulan agad ang paglilitis sa Pangulo na naakusahang tumanggap ng suhol mula sa jueteng, paglustay ng buwis sa tabako, pagkakaroon ng kuwestyunableng mga mansion, at pagpapadismis sa kaso ng kaibigan niyang si Dante Tan sa Securities and Exchange Commission. (Ulat nina Angie Dela Cruz, Lilia Tolentino, Andi Garcia, Doris Franche at Nestor Etolle)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest