^

Bansa

Sen. Jaworski kumalas din sa LAMP

-
Nagbitiw na rin kahapon sa maka-administrasyong Lapian ng Masang Pilipino si Senador Robert Jaworski para maging isa siyang patas na hukom sa sandaling maisampa na sa Senado ang articles of impeachment laban kay Pangulong Joseph Estrada.

"Nais kong maging malaya at walang pag-iimbot sa pagdinig sa darating na proseso ng impeachment. Nais kong umiwas sa ano mang hinalang ako’y pumanig o kumiling kanino man kundi sa katotohanan," sabi ni Jaworski.

Nilinaw din ng dating basketbolistang senador na ipinauubaya niya sa Pangulo ang desisyon kung dapat magbitiw sa puwesto o manatiling punong ehekutibo ng bansa.

Napaulat din na kumalas na rin sa partido ng administrasyon ang dating aktor na si Senador Ramon Revilla pero pinabulaanan ito ng opisyal niyang tagapagsalitang si Gerry Panila.

Kasabay nito, nilinaw ni Senador Aquilino Pimente na hindi siya kabilang sa mga senador na kumalas sa LAMP dahil inihinto na niya ang pagmimiyembro rito nang bumoto siya noon laban sa RP-US Visiting Forces Agreement.

Bukod kay Jaworski, naunang kumalas sa LAMP sina Senate President Franklin Drilon at mga kasamahan nilang senador na sina Rodolfo Biazon at Nikki Coseteng. (Ulat ni Perseus Echeminada)

GERRY PANILA

JAWORSKI

MASANG PILIPINO

NIKKI COSETENG

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

PERSEUS ECHEMINADA

RODOLFO BIAZON

SENADOR AQUILINO PIMENTE

SENADOR RAMON REVILLA

SENADOR ROBERT JAWORSKI

VISITING FORCES AGREEMENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with