^

Bansa

Rep. Arroyo naniniwalang mapapatalsik si Erap

-
Mismong ang kaalyado ni Pangulong Estrada sa Kongreso ay naniniwala na magtatagumpay ang impeachment complaint na isinampa laban sa Punong Ehekutibo.

Ayon kay Makati Rep. Joker Arroyo (Lamp, Makati) maliwanag na ang pagdami ng bilang ng mga mambabatas na sumusuporta sa impeachment complaint ay isang indikasyon na malapit nang makuha ang bilang na 73 upang mapatalsik sa puwesto si Estrada.

Sa ngayon ay nasa 53 na ang lumalagda sa impeachment complaint bukod pa sa sampung nangako ring lalagda at sa labing-dalawa pa na nagpahiwatig na susuporta sa isinusulong na kaso laban sa Pangulo.

Subalit nangangamba naman si Parañaque Rep. Roilo Golez na maaaring ibasura ng House Committee on Justice ang nasabing impeachment complaint dahil sa teknikalidad.

Maaari umanong gamitin ng nasabing komite ang bagong probisyon sa House Impeachment Rules upang balewalain ang kaso.

Kaugnay nito, nanawagan si Golez kay Deputy Majority Floorleader Neptali Gonzalez (Mandaluyong) na magbitiw bilang presiding officer ng House Committee on Justice dahil sa kawalan umano nito ng delikadesa.

Isa umano si Gonzalez sa nagtungo sa Malacañang sa paanyaya ni Pangulong Estrada kahit naisampa na ang impeachment complaint.

Gayunpaman, nanatiling solido ang suporta ng lahat na miyembro ng Gabinete ni Pangulong Estrada sa kabila ng kumakalat na balita na mayroon nang mga bibigay na miyembro dahil sa kasalukuyang kontrobersyang pulitikal.

Sa isang panayam sa radio DZMM, sinabi ni Executive Secretary Ronaldo Zamora na ang Gabinete ay nagtutuong-pansin sa mga solusyon sa problemang pangkabuhayan na bunga ng paghina ng halaga ng piso at pagtaas ng presyo ng langis sa pamilihang pandaigdig. (Ulat nina Marilou Rongalerios/Lilia Tolentino)

DEPUTY MAJORITY FLOORLEADER NEPTALI GONZALEZ

EXECUTIVE SECRETARY RONALDO ZAMORA

GABINETE

HOUSE COMMITTEE

HOUSE IMPEACHMENT RULES

JOKER ARROYO

LILIA TOLENTINO

MAKATI REP

MARILOU RONGALERIOS

PANGULONG ESTRADA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with