^

Bansa

Anti-Erap fever worldwide na!

-
Nananawagan na rin sa pagbibitiw ni Pangulong Joseph "Erap" Estrada ang mga overseas Filipino workers sa iba’t ibang panig ng mundo.

"Nagsisimula na kami," sabi ni Poe Gratela, secretary-general ng Migrante International na isang militanteng grupo ng mga OFW na matatagpuan sa Canada, United States, Germany, Italy, Netherlands, Australia, Hong Kong, Japan, South Korea, Saudi Arabia at iba pang bansa.

Sinabi ni Gratela na, sa pangunguna ng Migrante, binuo ng isang network ng may 100 organisasyon ng mga OFW sa ibayong-dagat ang Overseas Movement to Oust Erap bilang pakikilahok sa panawagan na mapatalsik sa puwesto si Estrada.

Sinabi pa ni Gratela na inilunsad ng network ang malawakang kampanya na humihikayat sa mga dayuhang negosyante na huwag mamuhunan sa Pilipinas habang nasa kapangyarihan ang Pangulo.

Nananawagan din ang mga OFW sa pagtatayo ng isang National Council for Unity and Renewal na binubuo ng lahat ng sektor na tutol sa kasalukuyang administrasyon.

"Sa Canada, galit na galit ang mga Pilipino sa imoral na liderato ni G. Estrada," wika ng tagapagsalita ng mga miyembro ng alyansa na nasa Canada na si Maila Santiago.

Sinabi ni Santiago sa isang Cypress Forum sa Tree House sa Quezon City na pinaplano ng mga manggagawang Pilipino na nakakalat sa buong daigdig na magsagawa ng mga demonstrasyon bilang pakikiisa sa mga puwersang tutol kay Estrada sa Pilipinas.

Sinabi pa ng tagapagsalita ng Overseas Movement to Oust Erap na si Leo Legaspi na hindi nila masikmurang magpadala sa bansa ng pera na mapupunta lang sa tiwaling burukrasya. (Ulat ni Romel Bagares)

CYPRESS FORUM

GRATELA

HONG KONG

LEO LEGASPI

MAILA SANTIAGO

OUST ERAP

OVERSEAS MOVEMENT

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with