^

Bansa

Pinay DH sa Hong Kong sinibak dahil may kanser

-
Isang 36-anyos na Pilipinang domestic helper ang malamang na maipadeport pabalik ng Pilipinas makaraang tanggalin siya sa trabaho ng kanyang amo sa Hong Kong dahil sa pagkakaroon niya ng sakit na kanser.

"Meron siyang hanggang bukas para manatili sa Hong Kong," sabi ni Cynthia Tellez, executive director ng Mission for Filipino Migrant Workers. Binanggit niya na, sa ilalim ng Immigration rules, may dalawang linggo ang isang DH para makahanap ng trabaho makaraang matapos ang kanyang kontrata o tanggalin siya sa trabaho.

Sinabi ni Tellez na ang naturang Pilipina ay tinanggal sa trabaho pagkaraan ng dalawang araw mula nang ipagtapat niya sa kanyang amo ang natuklasan ng duktor noong Oktubre 7 na meron siyang nose at larynx cancer.

Tumanggi ang Pilipina na banggitin ang kanyang pangalan. Hindi pa niya sinasabihan ang kanyang pamilya sa Cavite hinggil sa kanyang kalagayan. (Ulat ng Agence France Presse)

AGENCE FRANCE PRESSE

BINANGGIT

CAVITE

CYNTHIA TELLEZ

FILIPINO MIGRANT WORKERS

HONG KONG

ISANG

KANYANG

MERON

PILIPINA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with