6 envoys sumuporta kay GMA sa EDSA rally
October 18, 2000 | 12:00am
Hindi ikinaalarma ng Malacañang ang pagdalo ng ilang miyembro ng diplomatic corps mula sa Thailand, Singapore, United Kingdom, Saudi Arabia, India at Japan sa isang press conference ni Vice President Gloria Macapagal-Arroyo na dumating na sa bansa kahapon.
Gayunman, inamin ni Press Secretary Dong Puno na hindi pangkaraniwan ang nasabing pagdalo ng ilang miyembro ng diplomatic corps sa presscon subalit maaaring ito ay naimbitahan matapos ang pagsalubong sa pagdating ng bise presidente.
Samantala, welcome naman sa Malacañang ang naging pahayag ni Arroyo na susunod ito sa proseso ng Saligang Batas.
Bago matapos ang presscon ay sinabi ni Macapagal na siya ay makikipag-usap kay Cory Aquino at kung anuman ang kanilang pag-uusapan ay hindi pa nito binunyag. (Ulat nina Ely Saludar at Andi Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest