Sa isang pahayag, nanawagan kahapon ang mga lider ng industriya sa Pangulo na manatili sa puwesto lalo pat ang ekonomiya ng bansa ay nasa isang matinding pandaigdig na "pressure."
Kabilang sa naghayag ng suporta sa Pangulo sina Marichu Vera Perez-Maceda ng Film Development Foundation of the Philippines; Mel Chionglo, Edgardo Vinarao at Joel Lamangan ng Directors Guild of the Philippines; Senen Dimaguila ng Screenwriters of the Philippines; German Moreno ng Katipunan ng mga Artista ng Pelikulat Telebisyon: at Movie and Television Reviews and Classification Board Chairman Armida Siguion-Reyna.
Nanawagan din sila sa Kongreso na alamin muna ang buong katotohanan sa isyu sa halip na isailalim ng kangaroo trial ang Pangulo.
Nagbabala pa sila na lalong manganganib ang ekonomiya ng bansa at mawawalan ng kuwenta ang makatarungang proseso ng Saligambatas kapag pinababa sa puwesto ang Pangulo sa pamamagitan ng Kangaroo trial.
Samantala, tiniyak kahapon ni Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Gen. Angelo Reyes na nananatiling buo ang suporta ng AFP sa Pangulo. (Ulat ni Lilia Tolentino, Ely Saludar at Joy Cantos)