^

Bansa

Showbiz leaders sumuporta kay Erap

-
Nagpahayag kahapon ng suporta kay Pangulong Joseph Estrada ang mga dati niyang kasamahan sa industriya ng pelikula.

Sa isang pahayag, nanawagan kahapon ang mga lider ng industriya sa Pangulo na manatili sa puwesto lalo pa’t ang ekonomiya ng bansa ay nasa isang matinding pandaigdig na "pressure."

Kabilang sa naghayag ng suporta sa Pangulo sina Marichu Vera Perez-Maceda ng Film Development Foundation of the Philippines; Mel Chionglo, Edgardo Vinarao at Joel Lamangan ng Directors Guild of the Philippines; Senen Dimaguila ng Screenwriters of the Philippines; German Moreno ng Katipunan ng mga Artista ng Pelikula’t Telebisyon: at Movie and Television Reviews and Classification Board Chairman Armida Siguion-Reyna.

Nanawagan din sila sa Kongreso na alamin muna ang buong katotohanan sa isyu sa halip na isailalim ng kangaroo trial ang Pangulo.

Nagbabala pa sila na lalong manganganib ang ekonomiya ng bansa at mawawalan ng kuwenta ang makatarungang proseso ng Saligambatas kapag pinababa sa puwesto ang Pangulo sa pamamagitan ng Kangaroo trial.

Samantala, tiniyak kahapon ni Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Gen. Angelo Reyes na nananatiling buo ang suporta ng AFP sa Pangulo. (Ulat ni Lilia Tolentino, Ely Saludar at Joy Cantos)

ANGELO REYES

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES CHIEF OF STAFF GEN

DIRECTORS GUILD OF THE PHILIPPINES

EDGARDO VINARAO

ELY SALUDAR

FILM DEVELOPMENT FOUNDATION OF THE PHILIPPINES

GERMAN MORENO

JOEL LAMANGAN

JOY CANTOS

PANGULO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with