Hidden wealth ni Erap ibubunyag din ni Chavit
October 14, 2000 | 12:00am
Sinabi kahapon ni Ilocos Sur Governor Luis "Chavit" Singson na ibubunyag din niya ang lahat ng pag-aari o kayamanan ni Pangulong Joseph "Erap" Estrada kapag tinanong siya ng Senado.
Ginawa ni Singson ang banta nang gisahin siya ng Senate Blue Ribbon Committee hinggil sa kanyang mga ari-arian at mga negosyo dito sa bansa.
Sinabi ni Singson na iyong mga sinasabi ni Charlie "Atong" Ang na pag-aari niya tulad ng mga eroplano at barko ay walang katotohanan kundi gawa-gawa lang ng naturang kaibigan ng Pangulo para siraan siya.
Hindi rin nagkainteres ang mga mambabatas na ipabunyag kay Singson ang iba pang miyembro ng Gabinete, bukod kay Executive-Legislative liaison officer Jimmy Policarpio, na tumanggap umano ng milyun-milyong pisong jueteng payola mula sa kanya. (Ulat ni Myds Supnad)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest