Nabahala ang Malacañang sa pagkalas ni GMA sa cabinete
October 14, 2000 | 12:00am
Nababahala ang Malacañang sa pagbibitiw kamakalawa ni Vice President Gloria Macapagal-Arroyo sa puwesto bilang kalihim ng Department of Social Welfare and Development at sa pagkalas nina Sen. Ramon Magsaysay at Parañaque congressman Roilo Golez sa makaadministrasyong Laban ng Masang Pilipino. Dahil dito, isinagawa ng administrasyon ang loyalty check sa iba nitong mga miyembrong mambabatas, mayors at gobernador at iba pang opisyal ng pamahalaan.
Ito ang inamin kahapon ng isa sa miyembro ng LAMP na si Quezon Congressman Danilo Suarez na nagsabing isinagawa ang loyalty check sa bawat rehiyon. Siya umano ay nag-check sa Southern Tagalog at ang resulta ay halos 100 porsiyento pa rin ang sumusuporta sa Pangulo.
Pero sinabi ni Quezon City Rep. Mike Defensor na mapapahiya ang majority party kapag nakita nito ang dami ng lalagda sa impeachment complaint laban kay Pangulong Joseph Estrada.
Inihayag ng tanggapan ni Department of Agriculture Secretary Edgardo Angara na nananatiling sumusuporta sa Pangulo ang kalihim at solido pa rin ang Gabinete. Ipinalabas ng DA ang pahayag dahil sa kumakalat na ispekulasyon na susunod na magbibitiw sa puwesto si Angara na kasalukuyang nasa Canada.
Sinabi rin ni Defense Secretary Orlando Mercado sa isang pulong-balitaan sa Camp Aguinaldo na wala siyang planong magbitiw sa puwesto dahil may tiwala pa rin sa kanya ang Pangulo.(Ulat nina Marilou B. Rongalerios, Ely Saludar at Lilia Tolentino

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended