^

Bansa

Probe kay Gov. Singson sinimulan

-
Inatasan kahapon ni Department of Interior and Local Government Secretary Alfredo Lim si DILG Undersecretary Narciso Santiago Jr. na simulan ang imbestigasyon kay Ilocos Sur Governor Luis "Chavit" Singson kaugnay ng pagtatapat ng gobernador na nagsisilbi itong bagman ng jueteng operation sa Luzon.

Sinabi ni Lim sa isang ambush interview na sinimulan na ng Ombudsman at ng National Bureau of Investigation ang imbestigasyon sa aspetong kriminal laban kay Singson samantalang magsisimula sa tanggapan ni Santiago ang aspetong administratibo ng kaso.

Sinabi ng kalihim na lubhang napakaaga ng panawagan ni Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin sa pagbibitiw ni Pangulong Joseph Estrada. Puro lang anya akusasyon ang ginagawa ni Singson pero wala itong matibay na ebidensya.

Idinagdag niya na dapat hintaying matapos ang lahat ng imbestigasyon bago hatulan ang Pangulo na naakusahang tumanggap ng payola mula sa jueteng. (Ulat ni Rudy Andal)

CHAVIT

ILOCOS SUR GOVERNOR LUIS

MANILA ARCHBISHOP JAIME CARDINAL SIN

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

RUDY ANDAL

SINABI

SINGSON

UNDERSECRETARY NARCISO SANTIAGO JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with