Bingo 2-Ball sinuspinde ni Erap
October 9, 2000 | 12:00am
Biglaang ipinatigil kahapon ni Pangulong Joseph Estrada ang operasyon ng kontrobersyal na sugal na Bingo 2-Ball na pinagmulan ng malaking iskandalong nagdadawit din sa mga opisyal ng Malacañang.
Binasa ni Press Undersecretary Mike Toledo ang pahayag ng Pangulo na nagsususpinde sa Bingo 2- Ball. Rerepasuhin din ng Malacañang ang operation set-up ng naturang sugal na isinagawa para ipanlaban sa iligal na jueteng.
Inatasan din ng Pangulo ang Philippine Amusement and Gaming Corporation na ipawalambisa ang kontrata sa Bingo 2-Ball na pinasok ng kumpanyang Management Consultancy na pinamumunuan ng kaibigan ng Pangulo na si Charlie "Atong" Ang.
Ginawa ng Pangulo ang desisyon sa gitna ng "bombang" pinasabog ni Ilocos Sur Governor Luis "Chavit" Singson na nag-akusang tumanggap umano ng salapi o payola mula sa mga iligal na operasyon ng jueteng ang ilang matataas na opisyal ng Malacañang.
Pero pinabulaanan ni Toledo na ginawa ng Pangulo ang utos para mapakalma si Singson na masugid na tumututol sa Bingo 2-Ball.
Kasabay nito, inatasan ng Pangulo sina Interior and Local Government Secretary Alfredo Lim at Philippine National Police Chief Director General Panfilo Lacson na paigtingin ang kampanya laban sa jueteng na posibleng lumala dahil sa pagkakasuspinde ng operasyon ng Bingo 2-Ball.
Inaasahang pasasabugin ngayon ni Singson ang isa pang "bomba" na tutukoy sa mga kamag-anak ng Pangulo na tumanggap umano ng milyung piso mula sa jueteng lords.
Si Singson na dating kainuman at dating matalik na kaibigan ng Pangulo ay nagsabing may hawak siyang ebidensya na magpapatunay na tumanggap ng "lagay" mula sa jueteng lords ang ilang kamag-anak ni Estrada.
Tiniyak din ni Singson na tataob ang pambansang liderato sa oras na malantad sa sambayanang Pilipino ang umano’y kawalanghiyaang nangyayari sa pamahalaan.
Idinagdag pa ni Singson sa isang panayam na handa niyang harapin ang lahat ng maaaring ibalik sa kanya ng Malacañang at hindi siya natatakot dahil iyong totoo lang daw ang kanyang sasabihin sa publiko ngayong araw na ito. (Ulat nina Ely Saludar at Myds Supnad)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended