Kasong libelo laban sa preacher ng JMC iniurong ni Aventajado

Iniurong kahapon ni Presidential Adviser on Flagship Projects Robert Aventajado ang balak niyang pagsasampa ng kasong libelo laban sa isang preacher ng Jesus Miracle Crusade na si Bro. Alvin Flores makaraang humingi ito ng tawad sa kanya. Sinabi ni Aventajado na pinatatawad na niya si Flores dahil tuliro lang ang isip nito nang sabihin nito sa mga mamamahayag na nakatanggap siya ng malaking komisyon mula sa ransom na nakuha ng Abu Sayyaf sa mga pinalaya nitong bihag sa Sulu. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

Show comments