2 pamilya minasaker ang MILF rebels
October 7, 2000 | 12:00am
Dalawang pamilya ang pinaslang ng mga hinihinalang miyembro ng lost command ng Moro Islamic Liberation Front sa magkakahiwalay na insidente sa Sibuco, Zamboanga del Norte kamakalawa ng hapon.
Sinasabi ng ilang mga saksi na pinasok ng mga armadong lalaki ang mga bahay ng mga pamilyang Santos at Sacayan sa Upper Landay at Sitio Danak sa Barangay Gusipan, Sibuco bago puwersahang kinulimbat ang mga pagkain at ibang ari-arian ng mga biktima at walang humpay na pinagbabaril ang mga ito.
Tadtad sa tama ng mga bala ang natagpuang bangkay ng mga biktima na sina Anaceto, 44; Sylvia, 43; Marvin, 18; Ramon, 10 na pawang miyembro ng pamilyang Santos; at Renee Boy, 40, ng pamilyang Sacayan, biyenan nitong si Tikkia at isang 20-anyos na dalagang anak ni Renee Boy. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended