Ang Kapitbahay (111)
TUTOK na tutok ang tingin ni Vince sa nangyayari sa kabilang bahay. Dumating si Ram, kalaguyo ni Margie. Siguro’y kalahating oras nang nakaaalis ang anak ni Margie na si Brenda nang dumating si Ram.
Hinintay lang kayang umalis saka naman dumating? Posible. Maaring tinext ni Margie si Ram at sinabing nakaalis na si Brenda.
Hindi mapakali si Vince habang tinatanaw ang pagpasok ni Ram sa bahay. Hindi niya malaman kung ano ang magandang puwesto para makita ang mga nangyayari. Sabagay, naisip niya, kahit gaano kaganda ang puwesto niya sa bintana, hanggang dun lang dahil hindi naman niya nakikita ang nangyayari sa loob. Magkakasya na lamang siya sa kanyang malikot na imahinasyon. Iimadyinin na lamang niya ang “paglalaro” nina Margie at Ram.
Tiyak na matatagalan ang “paglalaro” dahil mahaba ang kanilang oras. Maaring hapon pa darating si Brenda mula sa unibersidad. O baka gabihin sa pag-uwi dahil maraming ginagawang activities—graduating na umano si Brenda.
Habang nakatingin sa bahay, naisip ni Vince ang ginagawa ni Ram: “dalawang ibon” sa iisang bala ang nahuli nito—mag-inang ibon ang nadale.
At kasabay niyon, naisip din naman ni Vince si Renan—asawa ni Margie na nasa Saudi. Ano kaya ang ginagawa ni Renan sa kasalukuyan? Tinupad kaya ang pangako na hindi na makikipagrelasyon sa mga matrona roon? Kung tinotoo ang pangako, kawawa naman siya dahil niyuyurakan ni Margie ang kanyang dangal.
Itutuloy
- Latest

















