^

True Confessions

Ang Kapitbahay (108)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

HINDI umalis sa tabing bintana si Vince at binantayan kung kailan aalis si Ram. Pasado 1:00 p.m. dumating si Ram at pinapasok ng anak ni Margie na si Brenda. Hindi marahil alam ni Ram na wala si Margie sa bahay. Pero bakit naman umalis si Margie? Hindi sila nag-u­usap? O baka nagka­salisi lang.

Maaring pinapasok ni Brenda si Ram sapagkat kilala na ito. Siguro, ipinakilala ni Margie. Pero dapat bang papasukin ni Brenda ang ibang tao lalo’t nag-iisa siya? Da­laga siya. Bata, ma­ganda, kaakit-akit at sexy.

Tutok na tutok si Vince sa pinto ng bahay­ nina Margie. Hindi­ siya umalis at baka may makalampas na pangyayari. Sayang naman.

Habang nag-aabang, kung anu-ano ang nai-imagine ni Vince. Hindi kaya nagkakamabutihan­ ang dalawa. Hindi kaya nagsasalo na ang mga ito sa bawal na mansanas?

Hindi kaya sinisimsim ni Ram ang kasariwaan ni Brenda? Hindi kaya ipinagkaloob na ni Brenda ang pagkababae sa dating boyfried ng ina?

Kung anu-ano pa ang naglaro sa malikot na imahinasyon ni Vince. Po­sibleng matukso si Ram kay Brenda dahil tala­gang maganda ito. Mas bata at sariwa kum­para kay Margie.

Hindi mapakali si Vince. Ano kayang nang­­­yayari? Matindi kaya ang labanan? Nag­­kaputukan na kaya?

Dakong 2:00 p.m. nakita ni Vince na lu­ma­bas ng bahay si Ram. Hindi lumabas ng bahay­ si Brenda. Mabilis na lumabas ng gate si Ram.

Makaraan ang 15 minuto, nakita ni Vince na dumating si Margie. Muntik na silang mag-abot ni Vince. 

Itutuloy

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with