^

Punto Mo

Mayang (98)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

Parang madudurog ang puso ni Jeff habang naglalakad papasok sa NAIA para mag-check-in. Naririnig pa niya ang pagtawag sa kanya ng anak na si Jeffmari. Kung hindi lamang malaki ang separation pay na makukuha niya sa kompanya, hindi talaga siya aalis. Pero kailangang umalis sapagkat ang malaking pera na makukuha niya ang gagamitin para sa naiisip nila ni Mayang na negosyo. Balak nilang magtayo ng negosyo sa Pinamalayan Public Market.

Tiniis na lamang ni Jeff ang lahat habang patungo sa check-in counter. Gusto niyang hatakin na ang mga araw para makabalik na rin agad siya sa Pilipinas at makasama na nang tuluyan ang kanyang mag-ina.

Gusto niyang matupad ang mga pangako kay Jeffmari gaya ng siya ang maghahatid dito sa school at mag-a-attend ng mga meeting. Lagi silang mama_masyal at manonood ng sine.

Nang nasa loob na ng eroplano si Jeff ay gusto niyang mapaiyak. Pero nilabanan niya alang-alang sa kinabukasan ng kanyang pamilya. Ang gagawin niya ay para sa ikagaganda ng kanilang buhay sa hinaharap.

UMAGA, nakahanda na sa pagpasok sa school si Jeffmari. Ihahatid siya ng mommy niya sa school.

“Sana kung narito si Daddy, siya ang maghahatid sa akin,’’ sabi ni Jeffmari na may garalgal ang boses.

“Babalik din agad ang daddy mo. Di ba sabi niya sa iyo?’’

“Kailan yun?’’

“Basta, babalik agad siya. Huwag kang mainip.”

“Gusto ko talaga si Daddy ang maghahatid sa akin.’’

“Huwag kang mainip at hindi mo namamalayan, nariyan na ang daddy mo.”

Saka lamang natahimik si Jeffmari.

(Itutuloy)

NAIA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with