^

Probinsiya

Mag-live in nagchop-chop sa babaeng PWD, timbog

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

SAN JUAN, Batangas, Philippines — Nakapiit na sa municipal jail ang mag-live in partner na itinuturong suspek sa brutal na pagpaslang sa 33-anyos na babaeng PWD na natagpuang sunog din sa gawaan ng uling sa Barangay Barualte, San Juan, Batangas.

Ayon sa ulat ng San Juan Batangas Police, ala-1:30 ng hapon nitong Miyerkules nang arestuhin sa bisa ng warrant of arrest ng mga otoridad ang mga suspek na 45-anyos na lalaki at 53-anyos na ka-live in nito na siyang may-ari ng ulingan.

Magugunita na noong alas-11:00 ng Lunes ng gabi, ang mag-partner din ang nagreport sa barangay na may nakita umano silang mga sunog na bahagi ng katawan ng hindi nila kilalang tao na nakasama sa kanilang inuuling na kahoy.

Pero lumabas sa imbestigasyon na ang biktimang si Mary Jane na isang PWD at single parent, na positibong kinilala ng kanyang kapatid na lalaki ang labi, ay sinasabing brutal na tsinap-chop ng dalawa at saka sinunog ang mga bahagi ng katawan.

Nakakulong na ang mag-live in partner sa San Juan Police Station locked up cell at kapwa nahaharap sa kasong murder.

KRIMEN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with