Kouame umaasang magiging local player

Ange Kouame
SBP Photo

MANILA, Philippines — Umaasa si Gilas Pilipinas naturalized player Angge Kouame na makapaglaro bilang local player sa anumang FIBA-sanctioned tournaments.

Nabuhay ang usap-usapang ito matapos ang laban ng Gilas Pilipinas at Chinese-Taipei sa FIBA Asia Cup Qualifiers kamakailan.

Nagparada ang Chinese-Taipei squad ng lineup ng mga ilang foreign players na naglaro bilang local player gaya ni Mohammed Al Bachir Gadiaga.

Naglaro si Gadiaga bilang local player ng Chinese-Taipei sa kabila ng walang anumang dugong Taiwanese.

Ipinanganak sa Japan si Gadiaga kung saan isang Senegalese ang ama nito at Amerikana ang ina nito at lumaki sa Taiwan kung saan naglaro ito para sa Shih Hsin University sa University Basketball Association.

Inihalintulad ang sitwasyon ni Gadiaga kay Kouame na naglaro para sa Ateneo sa UAAP at umaasang makakalaro bilang local player ng Gilas.

Show comments