^

Banat Palaro

Cone umani ng papuri

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Cone umani ng papuri
Kinalabaw ni Kai Sotto ng Gilas ang Hong Kong defen­ders para sa kanyang tangka.
Russell Palma

MANILA, Philippines — Isang taon pa lang si veteran mentor Tim Cone bilang head coach matapos i-takeover ang Gilas Pilipinas coaching duties mula kay dating coach Chot Reyes.

Ngunit kaliwa’t kanan na ang tagumpay ng Gilas Pilipinas sa iba’t ibang international tournaments.

Kaya naman umani ng papuri si Cone partikular na sa magandang programa nito sa Gilas Pilipinas.

Sinimulan ni Cone ang ratsada nang dalhin nito ang Gilas Pilipinas sa kampeonato sa 2023 Asian Games na ginanap sa Hangzhou, China.

Ito ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa naturang quadrennial meet sa loob ng ilang dekada.

Hindi rin malilimutan ang matikas na kampanya ng Gilas Pilipinas sa FIBA Olympic Qualifying Tournament na ginanap noong Hulyo sa Riga, Latvia.

Pinataob ng Gilas Pilipinas ang world No. 6 Latvia — ang unang pagkakataon na nanalo ang isang Philippine team kontra sa isang European squad sapul noong 1960.

Nakapasok sa semifinals ang Gilas Pilipinas sa FIBA Olympic qualifiers subalit natalo ito sa eventual champion Brazil na siyang umani ng puwesto sa Paris Olympics.

Muling inilagay ni Cone sa kasaysayan ang kanyang pangalan nang manduhan nito ang Gilas Pilipinas sa panalo kontra sa New Zealand sa FIBA Asia Cup Qualifiers na ginanap sa Mall of Asia Arena.

Ito ang unang pagkakataon na tinalo ng Pilipinas ang New Zealand sa isang torneo.

Hindi maitago ng netizens ang saya nito sa ilalim ng pamumuno ni Cone na tunay na may magandang programa para sa Gilas.

Umaasa ang basketball community na magtutuluy-tuloy ang magandang patakbo sa Gilas lalo pa’t sasabak ito sa malala­king torneo sa susunod na taon.

SPORTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with