Wembanyama binuhat ang Spurs

Victor Wembanyama of the San Antonio Spurs celebrates after they defeated the Denver Nuggets, 121-120, at the Frost Bank Center on April 12, 2024 in San Antonio, Texas.
Ronald Cortes / Getty Images / AFP

SAN ANTONIO — Nagkuwintas si Victor Wembanyama ng 34 points at 14 rebounds habang tumipa si Chris Paul ng 12 points at 11 rebounds para akayin ang Spurs sa 116-96 paggiba sa Sacramento Kings.

Tinapos ng San Antonio (5-6) ang kanilang apat na sunod na kabiguan sa Sacramento (6-5).

Nagdagdag si Harrison Barnes ng 10 points para sa Spurs matapos ibigay ng Kings sa offseason.

Binanderahan ni De’Aron Fox ang Sacra-mento sa kanyang 24 points at nagposte si Domantas Sabonis ng 23 markers at 12 rebounds  habang may 21 points si DeMar DeRozan.

Sa Chicago, kumamada si Donovan Mitchell ng season-high 36 points at inagaw ng Cleveland Ca­valiers ang 119-113 panalo kontra sa Bulls (4-7) para maging pang-walong NBA team na nagtala ng 12-0 season start.

Sa Oklahoma City, nagpasabog si Shai Gilgeous-Alexander ng career-high 45 points sa 134-128 pa­nalo ng Thunder (9-2) sa Los Angeles Clippers (6-5).

Sa Houston, kumolekta si Alperen Sengun ng 27 points at 17 rebounds para banderahan ang Rockets (7-4) sa 107-92 pagpapatumba sa Washington Wizards (2-7).

Sa New Orleans, iniskor ni Cam Thomas ang 10 sa kanyang 17 points sa fourth quarter sa 107-105 paglusot ng Brooklyn Nets (5-6) sa Pelicans (3-8).

Show comments