^

PSN Palaro

FEU tiwalang tatalunin ang NU

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Malaki ang kumpiyansa nina Chenie Tagaod at Faida Bakanke at ang Far Eastern University na kaya nilang talunin ang National University sa semifinals ng 86th UAAP 2023-24 wo­men’s volleyball tournament.

Mas naging buo ang loob ng Lady Tamaraws ng suwagin nila ang may tangan na twice-to-beat advantage at last year’s runner-up Lady Bulldogs, 25-23, 25-17, 25-23 noong Sabado.

“They really wanted this, they believed that they can beat NU,” ani FEU coach Manolo Refugia.

Magsisimula ang pa­luan ng bola ng Lady Tamaraws at Lady Bulldogs sa do-or-die game na lalaruin sa Araneta Coliseum ngayong alas-4 ng hapon at inaasahang itotodo ng dalawang koponan ang kanilang lakas upang manatili sa kompetisyon at lumakas ang tsansa sa asam na korona.

Hawak ng top seed na NU ang twice-to-beat kaya kailangan pa ng FEU na manalo ng isa upang umusad sa susunod na phase at harapin sa finals ang nag-aabang na University of Santo Tomas Golden Tigressses.

Tumikada sina Tagaod at Bakanke ng 12 at walong puntos nang talunin nila ang NU kamakailan habang bumakas sina Jean Asis at Mitzi Panangin ng 11 at 10 points, ayon sa pagkakasunod.

Nakalsuhan din ng Lady Tams ang seven-game winning streak sa kanila ng Lady Bulldogs.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with