^

Dr. Love

Ogie, walang malay sa kumakalat na end of contract ng Showtime sa GMA!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Ogie, walang malay sa kumakalat na end of contract ng Showtime sa GMA!
Ogie Alcasid
STAR/ File

Walang kamalay-malay si Ogie Alcasid sa intrigang hanggang December na lang mapapanood sa GMA 7 ang It’s Showtime.

Umiikot nga ang isyu na until December na lang ang kanilang programa sa GMA dahil diumano may ilalagay na ulit ang TAPE Inc. na programa at ang It’s Showtime diumano ay sa ALLTV na lang at sa iba pang channel. Ang sabi, wala pa raw diumano kasing nagaganap na renewal between GMA and ABS-CBN para sa nasabing programa.

“‘Di ko alam, eh. I think, wala namang may alam. But it’s hanging in the air. So, siyempre, lahat kami… sanay na kami,” sabay tawa ng OPM icon nung nakausap namin last week para sa kanyang upcoming concert na OgieOke 2 Reimagined.

Dagdag niya “Bahala na.”

Pero puring-puri niya ang mga bossing ng GMA na aniya ay very welcoming sa kanila.

“In fairness talaga sa GMA, talagang pinaglaban nila kami. Especially Ma’m Annette (Gozon-Valdes, GMA top executive). Very welcoming, alam naman namin ‘yan nu’ng Ball,” sabi niya pa.

“I’m just blessed to be part of that history and hopefully, we can do it longer. Otherwise, life goes on,” pahayag niya pa sa mga kausap na entertainment press sa Kamu­ning Bakery.

May nagsasabi nga rin na six months lang naman talaga ang nasa contract nila. Pero hindi raw talaga niya alam. “I don’t know, I’m not privy to the dealings. Naririnig ko but I don’t know.”

Samantala, super excited si Ogie sa OgieOke 2 Reimagined na gaganapin sa Newport World Resorts sa Nov. 30.

Diskubrehin ang new level of concert experience as Ogie Alcasid returns to Newport World Resorts for another round of his fan-favorite sing-along concert.

This time, makakasama ng King of OPM ang BINI, JM Dela Cerna, and Marielle Montellano bilang mga guest.

Matapos nga ang napakalaking tagumpay ng OGIEOKE noong nakaraang taon, ang beteranong singer-songwriter ay dodoble sa saya, tawanan, at walang aatrasang karaoke favorite.

At ang mga dadalo ay maaaring kumanta ng kanyang mga classic hit tulad ng Bakit Ngayon Ka Lang at Nandito Ako, na ginagawang mas madaling sabayan.

As a cherry on top of this sweet concert experience, the beloved Nation’s Girl Group BINI leads the special guest lineup, ready to treat fans to a mix of classic OPM and new generation pop.

Tickets are now available at all TicketWorld and SM Tickets outlets: P8,000 (PLATINUM), P7,000 (SVIP), P6,000 (VIP), P4,500 (GOLD), P3,000 (SILVER), and P1,500 (BRONZE). For inquiries, contact James Edward Rodriguez at 0917 829 2173, Paulo San Jose at 0917 810 5031, Raf Sangco at  0917 807 9387, and JhayR dela Cruz at 0917 818 9847.

Anyway, ilang months ding naging busy si Ogie sa pagpo-produce ng ibang mga artist at ito kumbaga ang comeback niya sa concert scene.

Ididirehe ito ni Paolo Bustamante habang musical director naman si Bobby Velasco.

OGIE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with