Bebot binaril sa sentido, dedo
MANILA, Philippines — Isang 28-anyos na babae ang nasawi nang ito ay malapitang barilin sa ulo ng isang lalaki habang nakatayo sa isang kanto ng kalsada, Brgy. Wawa, Balagtas, Bulacan.
Kinilala ang biktima na si alyas “Nene”, residente ng nasabing lugar.
Batay sa ulat, ala-1:40 ng madaling araw ay nakatayo ang biktima sa kanto ng nasabing kalye nang lapitan ito ng isang hindi pa nakikilalang lalaki at walang kaabug-abog na binaril sa sentido.
Matapos ang insidente, mabilis na tumakas ang suspek patungo sa direksyon ng Balagtas Public Market.
Narekober sa pinangyarihan ang isang basyo ng bala na mula sa isang 9mm na baril.
Patuloy na kumakalap ang pulisya ng mga ebidensya, kabilang ang mga kuha mula sa CCTV at mga pahayag ng mga saksi.
- Latest



















