^

Probinsiya

2 naglalaro ng online slot casino pinagbabaril: 1 patay

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
2 naglalaro ng online slot casino pinagbabaril: 1 patay
Dead-on-arrival sa Casimiro Ynares hospital ang biktimang si Mark Anthony Angeles, 43-anyos, residente ng Barangay San Jose, Rodriguez, Rizal dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
FIle

MANILA, Philippines — Patay ang isa habang sugatan ang kasamang naglalaro ng slot casino online games sa cellphone nang paulanan ng bala ng solong gunman, sa harap ng isang sari-sari store sa Rodriguez, Rizal, Biyernes ng madaling araw.

Dead-on-arrival sa Casimiro Ynares hospital ang biktimang si Mark Anthony Angeles, 43-anyos, residente ng Barangay San Jose, Rodriguez, Rizal dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nagtamo rin ng mga sugat mula sa bala ang biktimang si Jaylord Guese, 25-anyos, ng Guevarra St., Brgy. San Jose, Rodriguez.

Sa ulat ng Rodriguez Police, alas-2:25 ng madaling araw nang maganap ang pamamaril sa E. Manuel St., Brgy. San Jose. Kapwa abala umano ang dalawang biktima sa paglalaro ng scatter mobile games nang biglang lumutang ang ‘di pa tukoy na pagkilanlan ng suspek at biglang pinaputukan ng ilang ulit ang mga biktima.

Tumakas ang suspek na sumakay sa isang sasakyan sa direksyon umano ng Payatas, Quezon City, habang ang mga biktima ay dinala sa nasabing pagamutan.

Nagsasagawa pa ng backtracking upang matunton at matukoy ang suspek.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->
ad