^

Bansa

eSIM delivery inilunsad ng TNT

Pilipino Star Ngayon
eSIM delivery inilunsad ng TNT
Mabibili ang Prepaid eSIM ng TNT sa halagang P89 lamang, at may kasama nang 21GB free data, plus 10 minutes All-Net Calls at 100 All-Net Texts.

MANILA, Philippines — Ang mga subscriber ng TNT ay mabilis, maluwag at convenient nang makakaorder ng embedded SIM o ng tinatawag na eSIM at hindi na nila kailangan pang lumabas at bumili ng mga pisikal na eSIM card.

Kailangan lang ng mga gumagamit ng TNT na umorder ng TNT eSIM sa Smart Online Store at agad na maipapadala sa kanilang email ang kanilang SIM sa pamamagitan ng QR code.

Pagkatanggap nila ng kanilang TNT eSIMs, kailangan lang i-scan ng user ang unique QR code at magrehistro para mai-activate ito at mae-enjoy na ang mga data, call at text services kasama ng mga abot-kaya sa bulsang offers ng TNT, na pinapalakas ng premyadong network ng Smart.

Madali lang mabubuksan ang Smart Online Store sa anumang mobile o web brower kaya hindi na kailangang mag-download at mag-log in sa isang hiwalay na app para lang makabili ng kanilang eSIM. Tinatanggap dion dito ang mga cashless transaction tulad ng sa Maya, GCash, Spay, DragonPay at iba pa.

Simulan ang saya sa TNT eSIM

“Pinapagaan namin ang pagpapalit sa eSIM para sa ating mga TNT KaTropa. Handa na itong mabili sa pamamagitan ng digital delivery. Mabilis, ganap at tuluy-tuloy na magagamit ng ating mga subscriber ang eSIM technology na pinalakas ng superior network ng Smart,” sabi ni Lloyd Manaloto, head of prepaid ng Smart.

“Sa eSIMs, ang mga user ay makakapagpalit ng network nang walang sagabal at hindi na kailangang bumili ng pisikal na SIM. Mas pinasimple at pinahusay na ang mga  proseso sa mobile connectivity,” paliwanag naman ni Jerome Almirante, VP and head of innovations and digital services ng Smart.

Mabibili ang Prepaid eSIM ng TNT sa halagang P89 lamang na may kasama nang 21GB free data, plus 10 minutes All-Net Calls at 100 All-Net Texts, kaya mabilis na makakapag-online ang mga user at makakausap ang kanilang mga mahal sa buhay at mga kaibigan.

Makikinabang din ang mga user sa ibang offers ng TNT tulad ng TNT TikTok Saya 50 na may kasamang Unli TikTok plus 3GB open access data for apps and sites and Unli Texts to All Networks valid for three days for only P50.

Magagamit ang e-SIM sa mga the latest eSIM-capable handsets from Apple, Google, Huawei at Samsung, ay iba pa.

Dahil wala nang pisikal na SIM card, hindi na mamomroblema ang mga eSIM user kung kulang ang SIM slot sa kanilang smartphone o nawala o nasira ang kanilang pisikal na SIM.

Kahit isa lang ang physical SIM slot sa kanilang handset, makakagamit pa rin ang mga user ng maraming linya. Sa eSIM, madali at mabilis nang makakapagpalit sa dalawang account o higit pa dito o SIM profiles sa kanilang smartphone.

Para sa dagdag na mga kaalaman sa mga offer ng TNT, bumisita lang sa https://tntph.com/ at sundan ang @tntph sa Facebook, IG, X at TikTok.

 


Editor's Note: This press release for TNT is not covered by Philstar.com's editorial guidelines.


 

vuukle comment

TNT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with