^

Bansa

Paghuhukay ng Vietnam sa South China Sea bantay sarado sa Philippine Navy

Joy Cantos, Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Paghuhukay ng Vietnam sa South China Sea bantay sarado sa Philippine Navy
The presence of the China Coast Guard (CCG) persists despite the effort of the Philippine Coast Guard (PCG) to block them and assist the four main vessels of the second civilian resupply mission of the Atin Ito Coalition to the Bajo de Masinloc or Panatag Shoal in the West Philippine Sea on May 16, 2024.
STAR/ Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Todo bantay ang Philippine Navy sa ginagawang paghuhukay ng Vietnam sa South China Sea na sinasabing bahagi ng Kalayaan Island Group ng Pilipinas.

Ito ang sinabi ni PN spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Roy Vincent Trinidad kung saan ma­ging ang Department of Foreign Affairs (DFA) ay kumikilos sa isyu.

“Nakatutok naman tayo doon [we’re monitoring that], but I believe the more appropriate agency to give the details of that would be DFA. May action naman ang DFA doon [the DFA is doing actions regarding that],” ani Trinidad.

Dati na aniyang nagsasagawa ng dredging operations sa mga bahura ang Vietnam sa  South China Sea habang patuloy ang usapin ng  Pilipinas at China sa nasabing teritoryo.

Sa katunayan, nasa 412 acres na ang sukat ng Barque Canada Reef kumpara sa dating sukat nito na 238 acres land area.

Patuloy din ang pagpapalawak at konstruksiyon sa Discovery Great Reef, Namyit Island at Pearson Reef.

Tinatayang nasa 692 acres o 280 ektarya na ang nare-reclaim ng ­Vietnam.

Sinabi ni Trinidad na sa pitong claimant countries, ang Vietnam ang may pinakamaraming nasakop sa South China Sea subalit hindi agresibo.

Ito’y dahil na rin sa friendly relations ng Pilipinas at Vietnam.

vuukle comment

SOUTH CHINA SEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with