^

Police Metro

DILG sa LGUs: Higpitan ang inspeksyon sa checkpoints

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inatasan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang lahat ng local government units (LGUs) sa buong bansa na higpitan ang inspeksyon sa mga checkpoint partikular para sa mga biyahe ng tubo (­sugarcane shipments) upang mapigilan ang pagkalat ng mapanirang peste sa industriya ng asukal.

Ayon sa DILG, ang direktiba ay partikular lamang sa mga kargamento ng tubo at hindi sumasaklaw sa pangkalahatang transportasyon ng mga produkto at iba pang kalakal.

Base sa Memorandum Circular (MC) No. 2026-065, inatasan ng DILG ang LGU na mahigpit na ipatupad ang umiiral na mga regulasyon sa transportasyon ng mga kargamento ng tubo sa kani-kanilang nasasakupan upang mapigilan ang pagkalat ng Red-Striped Soft Scale Insect (RSSI) sa mga lugar na nagtatanim ng tubo.

Alinsunod sa SRA Memorandum Circular No. 9, series of 2025, kinakailangan ng single-use permit na may bisa sa loob ng 30 araw mula sa petsa ng pagkakaloob nito para sa transportasyon ng planting materials mula sa infested areas, pati na ang lahat ng inter-island shipments.

Hinikayat ng DILG ang LGU na bumalangkas ng mga lokal na ordinansa alinsunod sa national policies and regulations.

 

CHECKPOINT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with