Duty ng mga MMDA pahahabain simula Disyembre 1
MANILA, Philippines — Mas mahabang duty hours ang ipatutupad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa kanilang mga tauhan sa inaasahang pagdagsa ng mga sasakyan ngayong holiday season.
Sinabi ni MMDA Chairman Don Artes, na hanggang alas-12:00 ng hatinggabi simula Disyembre 1 ang duty ng mga ito.
Sinabini Artes na bahagi ito ng mga hakbang upang matiyak ang maayos na pamamahala ng trapiko sa Metro Manila. Ipatutupad din ang full deployment mula Dis. 1 at mahigpit na ipatutupad ang “no absent policy”.
Karagdagang hakbang ito bukod sa nauna nang pakikipag-ugnayan sa mga mall owners at operators na sinimulan noong Nobyembre 16 ang mall operation mula alas-11:00 ng umaga hanggang alas-11:00 ng gabi, na magtatagal hanggang Dis. 25.
Maging ang delivery operations sa mga mall ay pinalimitahan ang oras mula alas-11:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng umaga.Nilimitahan din na tuwing weekend lamang sila magsagawa ng mall-wide sale.
- Latest


















