^

Bansa

Utang kada Pinoy, lampas P170,000 na - Cayetano

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Utang kada Pinoy, lampas P170,000 na - Cayetano
Senator-judge Alan Peter Cayetano on July 22, 2026.
Screenshots / Senate

MANILA, Philippines — Aabot sa P170,598 ang katumbas na bahagi ng bawat Pilipino kung hahatiin ang mahigit P19 trilyong pambansang utang, ayon kay Senate Mino­rity Leader Alan Peter Cayetano.

Sa deliberasyon ng panukalang 2027 national budget, sinabi ni Cayetano na kailangan ng mas malalim na pagtalakay sa kalagayang pinansyal ng bansa at kung paano mapapababa ang lumolobong utang ng gobyerno.

Hinimok niya ang pamahalaan na tiyaking napupunta sa mahahalagang proyekto at programa ang pondo ng bayan at masusing suriin ang paraan ng pangungutang at paggasta.

Iminungkahi rin ni Cayetano ang mas malawak na partisipasyon ng pribadong sektor at publiko sa pagpapalakas ng ekonomiya. Kabilang sa kanyang mungkahi ang paglikha ng isang boluntaryong programa kung saan maaaring mag-ambag ang mga Pilipino upang makatulong sa pagbawas ng pambansang utang.

Bilang halimbawa, binanggit niya ang South Korea, kung saan naghandog ng mga alahas ang mga mamamayan upang matulungan ang kanilang bansa na makabangon mula sa krisis pinansyal.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with